PatrolPH

Hinihinalang hitman timbog sa Laguna checkpoint

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 03:33 PM | Updated as of Jan 24 2019 08:30 PM

Naaresto noong gabi ng Miyerkoles ang isang hinihinalang hitman sa police checkpoint sa lungsod ng Biñan, Laguna.

Tinangka pa ng suspek – na sakay ng motorsiklo – na tumakas matapos makitaan ng baril nang pahintuin sa checkpoint para inspeksiyunin, ayon sa pulisya.

Watch more on iWantTFC

Posible umanong hitman ang suspek, na nakuhanan ng kalibre .38 na baril.

“We will conduct further investigation, baka may grupo ito,” sabi ni Superintendent Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police.

“Iyong baril parang may putok na dahil iisa na lang ‘yong bala,” dagdag ni Mendoza.

Makakasuhan ang suspek ng illegal possession of firearms at paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban).

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.