Babae patay nang mahulog sa open duct sa Davao City

Che Che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 10:03 PM

DAVAO CITY—Patay na nang matagpuan ang isang babae Huwebes ng umaga matapos itong mahulog sa isang open duct sa Barangay Malagos sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Millevea Esteves, 18, at taga Cotabato City. Nahulog ito sa open duct Miyerkoles ng gabi.

Natagpuan ang bangkay ni Esteves sa gilid ng ilog sa Barangay Dominga matapos ang walong oras na paghahanap sa kaniya.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklara nang dead on arrival.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang biktima at iba pa nitong kaklase sa isang birthday party.

"Bigla umanong na-slide ang biktima sa open duct at hindi na ito nasagip ng kaniyang mga kasamahan dahil malakas ang current ng tubig," ayon kay chief inspector Arquimedes Wesley, Station Commander ng Calinan Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.