2 sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 08:51 PM

VALLADOLID, Negros Occidental—Dalawang pampasaherong bus ang nagbanggaan sa bayang ito Huwebes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, biglang huminto ang unang Ceres Tours bus dahil kumuha ito ng pasahero.

Hindi naman agad nakapreno ang sumunod na isa pang Ceres Tours bus kaya't nabangga nito ang likuran ng unang bus.

Iisang lane ang ginagamit sa lugar dahil ginagawa ang kabilang lane.

Isang 4 na taong gulang at isang senior citizen ang naiulat na nagtamo ng minor injuries.

Ligtas naman ang iba pang mga pasahero.

Sinagot ng management ng dalawang bus ang pagpapagamot sa dalawang sugatan.

Iisa ang operator ng dalawang bus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.