Truck ng beer at energy drink, tumagilid

Christopher Mahilum, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 03:44 PM

CEBU CITY – Nagkalat ang mga basag na bote at mga kaha ng beer at energy drink sa kalsada matapos na tumagilid ang delivery van na may karga nito, Miyerkoles ng umaga sa South Road Properties.

Tumama umano ang truck sa gutter nang makalas ang kanang gulong nito sa likod bago tuluyang tumagilid dakong alas-10 ng umaga.

Patungo umano sa Talisay City ang truck na may kargang 220 kaha ng mga beer at energy drink nang maaksidente.

Nagdulot naman ng bahagyang daloy ng trapiko ang aksidente.

Ayon sa awtoridad, hindi umano overloaded ang truck, pero nagkulang ang driver nito na i-check ng maigi ang behikulo bago bumiyahe.

Wala namang nasaktan sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.