Trike driver na nagbebenta ng shabu, baril, timbog sa Ilocos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Trike driver na nagbebenta ng shabu, baril, timbog sa Ilocos

Trike driver na nagbebenta ng shabu, baril, timbog sa Ilocos

Kim Lorenzo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 24, 2018 05:19 PM PHT

Clipboard

Arestado ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng baril, bala at hinihinalang shabu sa kanyang bahay sa Barangay Poblacion Dos sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte Martes.

Kinilala ang suspek na si Frankie Kevin Sy, 26.

Ayon sa pulisya, hinalughog nila ang bahay ni Sy sa bisa ng search warrant dahil sa umano’y sideline niyang pagbebenta ng baril, bala at shabu.

“Ayon sa informant natin nagpaputok rin raw ito ng baril at maraming hindi kilalang tao o hindi taga dito sa bayan ang nagpupunta sa kanyang bahay ng madaling araw,” ani SPO1 Joey Aninag, chief insvestigator ng Pasuquin, Ilocos Norte Police.

ADVERTISEMENT

Nakuha sa kaniyang tahanan ang caliber .22 revolver, dalawang bala ng caliber .22, isang bala ng caliber .38 at sampung bala ng caliber 5.56.

Nakuha rin ang 3 sachet na umano’y naglalaman ng shabu.

Hindi naman narekober ang M-16 rifle na target rin ng operasyon.

“Baka naibenta na o naipuslit na niya," ani Aninag.

Tumangging magbigay ng pahayag si Sy.

Nahaharap ito sa kasong pag-iingat ng baril, bala at droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.