Lalaking umano'y miyembro ng NPA, sumuko sa Sarangani

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 07:59 PM

Isa umanong miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko sa 73rd Infantry Battalion sa bayan ng Malapatan, Sarangani Martes.

Kinilala siyang si Simeon Miguel, alyas Simpak, 22, at residente ng Barangay Upper Suyan.

Ayon kay Miguel, vice team leader siya ng Platoon North ng Guerilla Front 71 ng NPA. Kasama niyang isinuko ang kaniyang M-16 rifle.

Ayon sa militar, sumuko umano si Miguel dahil sa takot na mapatay sa engkwentro lalo pa't sunod-sunod ang engkwentro sa pagitan ng militar at NPA nitong mga nakaraang linggo.

Isasailalim sa Comprehensive Local Integration Program si Miguel.

Hinimok din ng militar ang iba pang miyembro ng NPA na sumuko na at magbagong buhay.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.