2 sugatan sa sunog sa Pandacan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 08:20 AM

Watch more in iWant or iWantTFC

Courtesy of Aaron Diesta

Dalawa ang sugatan sa isang sunog sa Pandacan, Maynila Martes ng gabi.

Sampung bahay ang natupok ng apoy na nagsimula umano sa naiwang nilulutong ulam.

Tinatayang nasa P30,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection - Manila, sumiklab ang sunog pasado alas-10 ng gabi at nagsimula sa bahay ng isang Jimmy Lising.

"Paalala sa mga nagluluto, 'wag lalakasan ang apoy at 'wag hayaan na walang bantay," ani Senior Inspector Reden Alumno.

Naging pahirapan ang pag-apula ng apoy dahil sa dami ng kable ng kuryente at makikipot na eskinita.

Dalawa ang sugatan kabilang ang isang ginang na nagtamo ng second-degree burns sa paa matapos ma-trap sa nasusunog na compound.

Narescue naman ng mga bombero ang isang bata na nagkulong sa loob ng isang CR.

Idineklarang fire out ang insidente pasado alas-11 ng gabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.