PatrolPH

P5.1 milyong halaga ng ecstasy nasamsam sa QC; 2 arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2022 07:44 AM

Higit P5.1 milyong halaga ng hinihinalang ecstasy tablets ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Quezon City nitong gabi ng Sabado, kung saan naaresto ang 2 babae.

Ikinasa ang operasyon matapos sabihan ng mga custom official mula China ang Philippine Drug Enforcement Agency tungkol sa package galing Netherlands na hinihinalang may laman na ilegal na droga.

Nang isailalim sa examination noong Enero 20, nakita ng mga awtoridad ang hinihinalang ecstasy sa package.

Nagkasa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad, na nauwi sa pagkakaaresto ng 2 babae na tumanggap ng package.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

— Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.