PatrolPH

1 patay sa nasunog na bahay sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2022 02:27 PM | Updated as of Jan 23 2022 03:17 PM

Retrato mula sa Bureau of Fire Protection
Retrato mula sa Bureau of Fire Protection

MAYNILA — Isa ang patay sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Barangay Moonwalk, Parañaque nitong gabi ng Sabado, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng nasawi sa sunog, na nirespondehan ng mga bombero bandang alas-10:50 ng gabi sa Multinational Village.

Ayon sa BFP, sa ground floor ng dalawang palapag na bahay nag-umpisa ang sunog, na naapula bandang alas-11:29 ng gabi.

Tinatayang nasa P200,000 umano ang halaga ng pinsalang dulot ng sunog.

Hindi pa matukoy ng BFP ang mismong sanhi ng sunog.

— Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.