PANOORIN: Landslide nagdulot ng takot sa bayan ng Arakan, Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2021 09:08 PM

Watch more in iWantTFC

Kuha ni John Breach Patcheo 

Nakunan ng guro na si John Breach Patcheo ang pagguho ng lupa sa Barangay Matangkil, bayan ng Arakan, Cotabato Biyernes ng hapon.

Kinunan niya ng video ang paggugho nang mapadaan siya sa lugar galing sa trabaho.

Makikita sa video na tuloy tuloy ang pagguho, hanggang sa malaking bahagi na ng lupa ang bumigay at nagtakbuhan ang mga tao.

Ayon naman kay Bon Jovy Sorilla na nakakuha ng mga retrato sa pangyayari lumambot ang lupa sa lugar dahil sa malakas na pag-ulan mula kahapon.

Natabunan ang 4 na motorsiklo, 1 chainsaw at videoke machine. Apektado rin ang kalapit na carwash at tindahan.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.