Magkapatid nahulihan ng shabu umano sa Davao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2021 07:19 AM

Kuha ng PDEA XI

Arestado ang isang magkapatid sa isang buy-bust operation sa Barangay Gabuyan, Kapalong, Davao del Norte Huwebes ng gabi .

Kinilala ng Kapalong Municipal Police ang mga hinuli sa operasyon na sina Samuel Madayag at Wilson Madayag.

Nasabat ng mga pulis, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency, ang mga pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,000 mula sa mga inaresto.

Sinampahan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang magkapatid na umano'y tulak ng ilegal na droga.--Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.