Caretaker patay nang masunog ang binabantayang compound sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2021 02:49 PM

Agad naapula ang sunog pero may isang namatay rito. ABS-CBN News/Screengrab

MAYNILA - Isa ang patay sa sunog sa isang compound na pagmamay-ari ng isang Catholic group sa Maynila madaling araw ng Sabado. 

Namatay sa sunog ang 42 anyos na lalaking kinikilalang caretaker ng compound sa Oroquieta Street. 

Ayon sa barangay tanod na si Gilmore Sotto, noong una ay inakala nilang nagsasaing ang lalaki pero kalauna’y nakita nilang lumaki na ang apoy - dahilan para magtawag ng tulong. 

Watch more in iWantTFC

Aabot sa 16 minuto lang matapos itaas sa unang alarm ay nagdeklara na ng “fire out" ang Bureau of Fire Protection. 

Tinatayang 20,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian. 

Ayon kay Fire Insp. Cid Vincent Manaig, hepe ng San Lazaro Fire Station, iniimbestigahan pa nila ang pinagmulan ng sunog. 

— Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.