Sundalo patay sa engkuwentro ng militar, hinihinalang NPA sa Camarines Norte

Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 08:23 PM | Updated as of Jan 27 2020 10:01 AM

Larawan mula sa Philippine Army

PILI, Camarines Sur – Patay ang isang opisyal ng Philippine Army sa engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Labo sa Camarines Norte Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang sundalo na si 2nd Lt. Jose Henry Nopueto Jr. 

“Habang naga-approach sila sa kalaban, tinamaan po siya sa dibdib,” ayon kay 9th Infantry Division spokesperson Maj. Gerjim Dimalibot.

Nagtapos mula sa Officer Candidate School si Nopueto. Iuuwi ang kaniyang mga labi sa Zamboanga Sibugay.

Ito na ang pangatlong engkuwentro na naitala sa Camarines Norte ngayong buwan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.