Mga putol na binti natagpuan sa paligid ng Marikina River

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 05:54 PM

Dalawang putol na binti ang natagpuan sa may jogging lane sa paligid ng Marikina River ngayong Huwebes, ayon sa pulisya.

Iniulat ng isang concerned citizen sa tanod na may nasilip itong buto sa loob ng isang itim na plastic bag sa may lane, ayon kay Marikina police chief Police Col. Restituto Arcangel.

Nang respondehan ng tanod at buksan ang bag, nakita umano ang 2 putol na binti.

Pinag-aaralan na ang mga kuha ng surveillance camera sa lugar, ayon kay Arcangel. -- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.