Higit 400 ina sa Taguig nag-donate ng breast milk para sa Taal babies

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 06:11 PM | Updated as of Jan 24 2020 12:11 PM

Tinawag ang event na "Breast Milk Ko, Alay Ko" na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Taguig at ng grupong Human Milk Bank. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE)— Nagtipon-tipon nitong Huwebes sa Taguig City ang mga ina na nais mag-donate ng kanilang breastmilk para sa mga sanggol na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal. 

Tinawag ang event na "Breast Milk Ko, Alay Ko" na inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Taguig at ng grupong Human Milk Bank.

Tinatayang nasa higit 400 ang nakilahok at nag-donate ng gatas, hindi lang mga taga Taguig kundi mula pa sa ibang lugar. 

Ipoproseso ang mga nakolektang gatas ng Human Milk Bank bago ito ipadala sa iba't ibang evacuation centers sa Batangas. 

Ang aktibidad ay sagot sa panawagan ng pamahalaan ng Batangas para sa breast milk donations para sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng Taal.

Sinundan din ng pagtitipon ang advisory ng Department of Health (DOH) na mag-donate ng breast milk sa Batangas.

“Nobody will dispute that breast milk is best for babies. But what do we do when, for some reason, a mother cannot provide that for her baby? There are moms who breastfeed but during a state of stress, their milk supply gets affected. That’s why we are trying to help out to those in need,” ani Sen. Pia Cayetano, na isa sa mga nanguna sa aktibidad.

“For those who have reached out and expressed interest to donate, we will assist. If we can collect those milk from different mothers, we will do so,” aniya.

Payo ng Department of Health, mainam ang breastmilk para sa mga sanggol, lalo na sa mga panahon ng kalamidad kung saan walang siguradong malinis na pagkukunan ng tubig para sa formula milk. Ang breastmilk ay puno rin ng antibodies o pampalakas ng resistensiya ng mga bata. ​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.