3 pulis sinibak dahil sa paglalaro ng golf habang naka-duty

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2020 09:42 AM | Updated as of Jan 23 2020 09:19 PM

Members of the Philippine National Police. ABS-CBN News/file

MAYNILA - Sinibak sa puwesto ang 3 pulis matapos paulit-ulit mahuling naglalaro ng golf habang nasa trabaho.

Kinilala ang mga ito na sina Police Col. Dennis Artil, Police Lt. Col. Richard Badang, at Police Lt. Col. Glenn Mayam, na nakatalaga sa Central Visayas bilang regional comptroller, kasapi ng finance service, at hepe ng Drug Enforcement Group.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matagal nang pinagbawal ang paglalaro ng kapulisan ng golf mula Lunes hanggang Biyernes sa lahat ng oras, ayon kay Philippine National Police chief Lt. Gen. Archie Gamboa.

Inilipat sa Camp Crame sa Quezon City ang 3 pulis na mahaharap sa kasong administratibo. 

--Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News