Truck driver na umano'y nagbebenta ng shabu sa Davao City, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 07:32 AM

DAVAO CITY - Inaresto ng mga pulis ang isang truck driver na nagbebenta ng shabu sa Lasang, Davao City Martes ng gabi.

Narekober mula sa suspek ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P20,000.

Ayon kay Chief Insp. Noel Villahermosa ng Bunawan police, nagbebenta umano ng droga ang 45 anyos na suspek sa kapuwa nito driver.

Kuwento ng suspek, ipinadala lang sa kaniya ang shabu mula Midsayap, North Cotabato. Pangangailangan sa pera ang kaniyang dahilan kung bakit siya nagtutulak.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.