Shabu 'drive-thru' sa Bacoor, ni-raid; lolo at 4 iba pa, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 05:56 AM

CAVITE - Arestado ang 5 katao sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes.

Huli ang 60 anyos na lolo, kaniyang anak, manugang, at 2 hinihinalang runner.

Ayon sa pulisya, nagbebenta ng droga ang mga suspek sa pamamagitan ng maliit na siwang na tinatawag na "drive-thru."

Sa siwang mag-aabutan ng pera at droga ang mga suspek at kustomer.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor police, may-pa-promo pa ang mga suspek.

"Kapag bumili ka, may libreng gamit ka. Unlike 'yung iba na may bayad sa foil, paggamit ng kuwarto," aniya.

Dagdag ni Cabatingan, dati nang nahuli ng mga pulis ang lolo na suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.