Pasahero patay nang atakihin sa puso habang nasa biyahe

Rizza Mostar, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 07:53 PM

Isang lalaki ang natagpuang patay sa loob ng isang pamapasaherong bus Miyerkoles ng umaga.

Galing Eastern Samar at papuntang Maynila ang bus. Nag-stop over ang bus sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur nang napansin ng katabi nito sa upuan ang malamig nang katawan ng lalaki.

Agad isinugod ng drayber ng bus na si Roderick Nebres ang lalaki sa Bicol Medical Center sa Naga pero idineklara na itong dead on arrival sa ospital.

Dito na nakilala ang lalaki na si Lorito Cortan Llamas, 54 taong gulang at residente ng Catbalogan City, Eastern Samar.

Ayon sa doktor, atake sa puso ang ikinamatay nito.

Naipaalam na sa pamilya ni Llamas ang nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.