P200,000 halaga ng droga nasabat sa Bacolod

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 10:32 PM

BACOLOD CITY—Nasamsam ang P200,000 halaga ng hinihinalang droga mula sa 2 suspek sa lungsod na ito Martes.

Nakuha ang 5 sachet ng droga mula sa isang high-value target at kasama nitong babae na dating nakulong dahil sa ilegal na droga at 2 buwan pa lamang simula nang makalabas sa bilangguan.

Ayon sa pulisya, nabawi sa babae ang isang sachet ng suspected shabu.

Samantala, miyembro umano ng robbery-holdup group ang lalaking target ng buy-bust.

Haharap ang dalawa sa kasong selling and possession of illegal drugs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.