Mga residente sa Baguio, binulabog ng grass fire

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 05:03 PM

BAGUIO CITY—Mabilis na kumalat ang apoy sa isang bakanteng lote sa Purok 9, Pinsao Proper sa lungsod na ito Miyerkoles ng umaga.

Nabulabog ang mga residente dahil bukod sa malaki ang sunog, malapit na ito sa kanilang mga tirahan. 

Agad na rumesponde ang Baguio Fire Department. Aabot sa 1,000 square meters ang lawak ng natupok na lupain na may mga nakatanim na Benguet pine trees.

"Ang tinitingnan nating cause, according sa witness na si Wendy Delfin, may naobserbahan siyang limang bata na naglalaro d'yan. Pagkaalis nila, andu'n na, may biglang apoy na na fast 'yung spread dahil sa medyo accumulated na pine needles at dried grass," ani SFO3 Julius Wanawan na imbestigador ng Baguio Fire Department. 

Maswerteng walang bahay na nadamay sa sunog. Ito na ang ika-walong grass fire na naitala sa Baguio City mula January 1.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.