2 lalaking galing sabungan patay sa pananambang sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2019 04:18 PM | Updated as of Jan 23 2019 07:57 PM

Napatay nitong madaling araw ng Miyerkoles sa Meycauayan, Bulacan ang dalawang lalaki matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sakay ng kotse ang mga biktimang sina Andres Limcuando at Rodelio Amponin nang pagbabarilin sila ng mga gunman na sakay ng motorsiklo at van sa McArthur Highway sa Barangay Banga bandang alas-2 ng madaling araw.

Galing sa sabungan ang mga biktima at maaaring sinundan ng mga gunman, ani Senior Superintendent Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan police.

Mukhang planado rin daw ang krimen dahil dalawa ang behikulong ginamit ng mga salarin.

Robbery ang isa sa mga tinitingnang motibo ng Bulacan police.

Pag-aaralan pa ng mga pulis ang ibang closed-circuit television (CCTV) mula sa sabungan hanggang sa mga lugar na posibleng dinaanan ng mga papatakas na salarin.

--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.