Mga hayop, inilikas na rin dahil sa banta ng Mayon

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 03:47 PM

Inilikas na pati ang mga hayop mula sa mga lugar na apektado ng pagbuga ng abo ng bulkang Mayon Martes, ayon kay Camalig Mayor Ding Baldo.

Isinakay sa truck ang mga baka, habang ang ibang hayop naman ay pinastol palayo sa mga lugar na apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan ng abo.

"The eruption also affects the domestic animals so they are also evacuated," ani Baldo sa isang pahayag.

Hindi pa malinaw kung ilang hayop ang kinailangan ilikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan.

Noong Lunes, itinaas ang bulkang Mayon sa Alert Level 4, ang ikalawa sa pinakamataas na alerto, dahilsa patuloy na paglabas ng lava at abo mula sa bunganga nito.

Sinuspinde na ang klase at trabaho sa Camalig, Guinobatan at lungsod ng Ligao Martes dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng abo.

Tinatayang nasa 40,000 na residente na ang lumikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.