Driver ng SUV na inatake sa puso, patay

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 04:46 PM

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang driver ng isang SUV na naaksidente Martes ng umaga sa Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, inatake sa puso si Ronald Fisalbon, 52, habang binabaybay ang Libis Flyover.

Bumangga ang kaniyang sasakyang may pansamantalang plaka na VQ 2249 (conduction sticker number) sa isang concrete barrier, kung saan nadamay din ang isang van na may plakang WQV 545.

Walang malay si Fisalbon nang datnan ng awtoridad kaya’t agad siyang dinala ng rescue team sa ospital. Sa kasamaang palad, hindi na siya umabot pang buhay sa pagamutan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.