Biyahe ng nasa 500 pasahero ng MRT, naantala

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 03:33 PM | Updated as of Jan 23 2018 04:40 PM

Naantala ang biyahe ng nasa 500 pasahero ng MRT matapos silang pababain ng tren sa Santolan-Annapolis station northbound Martes ng umaga. 

Nagkaaberya ang MRT dakong 11:53 ng umaga dahil sa problema sa brake na dulot sa depektibong electrical at braking sub-components.

Nakasakay naman ang naantalang mga pasahero sa sumunod na tren, apat na minuto ang makalipas.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.