TACLOBAN CITY - Hindi bababa sa 45 na electric jeepneys ang binigyan ng prangkisa upang makapasada sa hilagang bahagi ng lungsod, Martes.
Ayon sa mga opisyal ng Department of Transportation, pag-aaralan kung magiging epektibo ang paggamit ng mga e-jeep dito sa lungsod bago ilunsad ang programa sa ibang probinsya.
Giit ng mga awtoridad, makakabuti ito para sa mga mananakay dahil hindi mausok ang e-jeep kumpara sa mga de krudong pampasadang sasakyan.
Inaasahan na makikinabang sa programa ang 8,000 pamilya na nakatira sa mga lugar na daraanan ng ruta ng mga e-jeep.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.