2 Chinese, kinulong ng amo

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 08:51 PM | Updated as of Jul 17 2019 05:44 PM

Watch more in iWantTFC

Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan ang dalawang Chinese matapos ikulong umano ng kanilang amo sa isang safehouse dahil sa bintang na pagnanakaw.

Matapos makatanggap ng sumbong, sinugod ng NBI Anti-Organized Transnational Crimes Division ang isang bahay sa Parañaque kung saan natagpuan ang mga biktimang sina Ai Xiao Feng at Xiao Qzao Ling.

Nakita si Ai Xiao Feng na nakakulong sa banyo habang nakaposas ang paa, at nakaposas naman sa railing ng hagdan si Xiao Qzao Ling.

Kuwento ng dalawa, pinaposasan sila ng kanilang amo ng higit 10 oras at pinagbawalan kumain.

Sa follow-up operation, natukoy ng NBI ang mga employer bilang sina Su Jianshu at Chenwin Bin, na agad umamin sa kanilang ginawa.

Ayon sa NBI, manager ng isang online gaming company ang isang suspek.

Nagsumbong umano sa NBI ang mga bagong pasok na Pilipinong bodyguard ng suspek matapos silang utusang bumili ng posas at trash bag.

Nagulat din sila nang ipadala sa ibang bahay ang dalawang biktima.

Pumayag ang mga bodyguard na tumayong testigo sa kaso.

Ikinulong naman ang dalawang suspek sa kasong illegal detention habang tinitingnan ng mga awtoridad kung lehitimo ba ang kanilang negosyo sa bansa.

-- Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.