1 sugatan, 12 bahay natupok sa sunog sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 04:05 PM

Isang sunog ang sumiklab sa Barangay Apas, Cebu City nitong Martes. Rhea Soco, ABS-CBN News

CEBU CITY - Isa ang sugatan habang 12 na bahay ang nasira matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Apas dito sa siyudad, Martes.

Nagtamo ng ilang sugat si Emanuel Wania dahil sa sunog na nagsimula bandang alas-8 ng umaga sa loob ng kuwarto ng isang residenteng kinilala bilang si Cindi Almasan.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay. Naapula ito ng mga bombero makalipas ang halos 2 oras.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung nag-ugat sa isang sirang electrical wiring ang sunog. Tinitingnan din ang posibilidad na sinadyang sunugin ang naturang lugar na nakatakda nang i-demolish.

Tinatayang aabot sa P400,000 ang halaga ng ari-arian na nasira dahil sa insidente.

-- ulat mula kina Rhea Soco at Angelica Fay Saniel, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.