67-anyos na tricycle driver, nagsoli ng bag na may lamang P15,000

Jessa Mylce Mella, ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2017 07:51 AM

Sa Naga City, pararangalan ang 67-anyos na tricycle driver dahil sa pagiging tapat niya.

Habang pumapasada, may nakitang bag sa gilid ng kalsada si Mang Romeo Adoremos. May laman ang bag na P15,000, cellphone at ilang mamahaling gamit.

Tinawagan ng may-ari ng bag ang kanyang cellphone, kaya naisoli ni Mang Romeo ang bag.

Kwento ng asawa, likas kay Mang Romeo na magsoli ng mga naiiwang gamit, gaya ng mga gulay, pagkain, maging mga cellphone.

Dahil sa kanyang kapatapan, bibigyan ng pagkilala si Mang Romeo ng lokal na pamahalaan ng Naga.

Binigyan din siya ng pabuya ng may-ari ng bag.