PatrolPH

P29.7 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto, napanalunan na

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2023 09:33 AM

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2023/tvpatrol/01/22/lotto.jpg

MANILA — Isa na namang mananaya ang uuwing milyonaryo matapos mapanalunan ang P29.7 milyong jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Solong natamaan ng nasabing mananaya ang winning combination ng naturang palaro nitong Sabado ng gabi: 03-44-10-13-23-11.

Ito na ang ikatlong araw na magkakasunod na natamaan ang mga premyo sa iba't ibang Lotto games ng PCSO.

Nitong Biyernes, napanalunan din ng isang mananaya ang P49.5 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto matapos matamaan ang winning combination na 24-39-31-19-42-13.

Solo ring napanalunan ang jackpot prize na P79.1 milyon sa 6/49 Super Lotto nitong Huwebes, matapos nitong mahulaan ang winning number combination na 17-19 -31-13-47-34.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.