PatrolPH

Lalaki patay matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2023 09:54 AM

Dead-on-the-spot ang isang lalaki sa Brgy. Doña Imelda, Quezon City matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon kay Police Major Octavio Ingles Jr., namataan ang lalaki na may sakbit na baril sa kanyang tagiliran habang nagsasagawa ng follow-up operation ang Anti-Criminality Patrol ng Police Station 11 Galas. 

Kahina-hinala umano ang kilos nito at nang siya ay lapitan ng mga operatiba, bigla na lamang itong bumunot ng baril at saka pinaputukan ang mga pulis. 

Agad namang nakapag-retaliate ang mga pulis at nabaril ang suspek. 

Narekober sa crime scene ang kalibre 45 at ang motorsiklo na hinihinalang ninakaw umano ng lalaki. 

Base sa paunang imbestigasyon, sangkot umano ang suspek sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Quezon City at Manila. 

Sa ngayon, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek. — Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.