Umano'y gunrunner, patay matapos 'manlaban' sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2021 05:08 AM

Kuha ng PRO 3

Patay ang isang lalaking sangkot umano sa gunrunning matapos ang isang shootout umano sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Huwebes.

Kinilala ng Police Regional Office 3 ang suspek na si Joselito‭ ‬"Jojo" Jose, isang ‬electrician‭ ‬at residente ng Brgy.‭ ‬Imelda, Cabanatuan.

Sa buy-bust operation ng Cabanatuan Police Station, target ang caliber 32 mm pistol na siyang subject din ng isearch warrant. Pero nakatunog umano si Jose na pulis ang mga katransaksyon kaya bumunot ito ng baril tsaka pinaputukan ang mga awtoridad.

Tinamaan ang isang pulis pero hindi ito tumagos sa suot niyang bullet proof vest. Sa pagganti ng putok ng mga operatiba, tinamaan si Jose. 

Itinakbo pa siya sa Cabanatuan City Hospital pero idineklara nang dead on arrival.

Narecover sa crime scene ang caliber 32 mm pistol na walang serial number, isang caliber 45 pistol, at mga basyo ng mga bala ng caliber 9mm at .45 na baril.--Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.