P3.2 milyong halaga ng shabu narekober sa buy-bust sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2021 01:37 PM

Narekober ng awtoridad mula sa suspek ang tinatayang P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Oton, Iloilo. Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Arestado ng pulisya ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation Huwebes ng gabi sa Barangay Buray sa Oton, Iloilo.

Ayon sa Oton Police, ang suspek ay residente ng Barangay Alalasan sa La Paz, Iloilo City.

Nabilhan ng awtoridad ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P20,000 at dagdag na narekober dito ang higit 200 gramo ng droga na may tinatayang halaga na P3.2 milyon.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- ulat ni Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.