1 patay, 4 sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa Iloilo

Rolen Escaniel, ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2021 04:43 PM


POTOTAN, Iloilo - Isa ang nasawi at apat ang sugatan matapos mabangga nang delivery van ang isang motorsiklo at tricycle sa F. Parcon Street dito sa bayan, Biyernes ng umaga.

Namatay habang ginagamot sa ospital si Eric Difesto, 33 anyos. Siya ay angkas sa motorsiklo na sakay din si Edwin Penafiel, 54, at isang menor de edad.

Sugatan din ang sakay ng tricycle na sina Rey Caang, 46, at Lorna Dipas.

Inabutang nakahandusay sa gitna ng kalsada ang mga biktima matapos banggain ng delivery van ang kanilang mga sasakyan.

Napag-alamang papuntang Passi City ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Ayun sa Pototan Police, nakapiit na ang driver ng van na si Jesus Brilliantes. Bukas naman na makipag-areglo ang pamilya ng mga biktima.

 RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.