Panadero patay sa pananaksak sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 05:22 PM

SANTA BARBARA, Iloilo- Isang panadero ang nasawi matapos tadtarin ng saksak ng tatlong suspek sa bayan na ito Miyerkoles.

Kinilala ang biktima na si Jan-jan Lañada, 28, mula sa bayan ng Kalibo, Aklan at nagtatrabaho bilang chief baker sa isang panaderya sa naturang bayan.

Natagpuan ang duguang bangkay ni Lañada na nakadapa sa isang eskinita papasok sa kaniyang inuupahang bahay sa Roosevelt Street sa Barangay Poblacion.

Ayon sa pulisya, nakita na hinahabol ng tatlong lalaki ang biktima papasok sa lugar kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay.

Kilala na umano ang pulisya ang mga suspek at nagsasagawa na ng hot pursuit operation.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.