P500,000 halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa QC, 5 timbog

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 07:39 AM

QUEZON CITY - Nasamsam ng pulisya ang nasa P500,000 ng hinihinalang shabu sa Tandang Sora, Quezon City ngayong Miyerkoles ng madaling-araw. 

Nakuha ang 75 gramo ng droga mula sa 5 katao sa General Avenue, kabilang na si alyas "Madame" na umano'y nagtutulak ng bawal na gamot sa Quezon City at karatig-lungsod na Caloocan, ayon sa pulisya. 

Iginiit naman anila ni Madame na akala niya'y antibiotic lang ang nakuhang droga sa kanila. Gayunman, inamin ng iba pang naaresto na gumagamit sila ng droga at supplier nila si Madame. 

- Ulat nina Jervis Manahan at Lyza Aquino, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.