Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 07:18 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

PAMPANGA - Timbog ang 32 anyos na lalaki sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation Martes ng gabi sa Barangay Cabalantian, Bacolor.

Bacolor MPS

May bigat na 90 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P200,000 ang nasabat sa suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuling suspek.-Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.