Bag na may 'marijuana', natagpuan sa mall sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 07:25 AM

Dinala ng security guard ng isang mall sa Bacolod City sa Police Station 1 Martes ng hapon ang isang bag na naglalaman ng hinihinalaang marijuana.

Kuha ng Bacolod City Police Station 1

Nakita sa labas ng parking lot ng mall ng guwardiyang si Jeyron Magbanua ang iniwang bag na itim.

Nang buksan nila ng kanyang mga kasamahan ang bag, bumulagta sa kanila ang 17 sachet at isang tangkay ng hinihinalaang marijuana na nakalagay sa isang paper bag. Tinatayang nagkakahalaga ito ng P56,000.

Hindi pa matukoy kung sino ang nag-iwan ng nasabing bag at kung bakit ito iniwan.

Naka-turn-over na rin agad ang hinihinalang marijuana sa crime laboratory ng istasyon ng mga pulis para masuri.-Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.