2 arestado sa buy-bust operation sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2020 07:20 AM

Kalaboso ang isang lalaki at isang babae matapos kumagat sa buy-bust operation Martes ng gabi sa Loyola Heights, Quezon City.

Batay sa paunang ulat ni Police Staff Sgt. Richard Galvez ng Quezon City Police District Station 9, may edad 33 anyos ang babaeng target ng operasyon na si alyas Jenny. 

Nakumpiska sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20,000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.