P3.4 milyong halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa 2 babae sa Zamboanga

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 07:33 PM

Nakuha ang 10 sachet ng hinihinalang droga mula sa 2 babae sa Zamboanga City, Martes ng hapon. ABS-CBN News

ZAMBOANGA CITY—Nasamsam ang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa 2 babae sa lungsod na ito Martes ng hapon.

Sampung sachet o kalahating kilo ng droga ang nakompiska ng mga awtoridad sa target na drug personality sa lungsod at kasama nito.

Ang dalawang babae ay kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.