P239-milyong Grand Lotto jackpot, solong napanalunan

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 12:19 AM

MAYNILA - Higit P239 milyon ang iuuwi ng isang mananaya matapos tumama sa Grand Lotto 6/55 nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa PCSO, ang winning combination ay 17-07-38-08-05-10.

Nanalo naman ng P46,400 ang 35 na mananaya na nakakuha ng 5 na lumabas na numero.