Construction equipment para sa dam sa Quezon, sinunog umano ng NPA

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 01:35 PM

REAL, Quezon - Sinunog ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army ang ilang equipment sa isang mini hydro dam project sa bayang ito, Lunes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-11 ng gabi nang palibutan ng 10 armadong lalaki ang mga trabahador na natutulog sa lugar na sakop ng Barangay Maragondon.

Sinunog ng mga lalaki ang 6 na heavy equipment, 2 sasakyan, isang generator at ang opisina sa construction site.

Walang naitalang nasugatan sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.