Bagong silang na sanggol, natagpuang buhay sa palayan

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 06:40 PM | Updated as of Jan 22 2019 08:28 PM

Buhay at nasa maayos na kundisyon na ang bagong silang na sanggol na babae na iniwan sa palayan sa Barangay San Roque sa Zamboanga City. Larawan mula kay Dhorzkhan Dolong

ZAMBOANGA CITY – Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang bagong silang na sanggol na natagpuan sa palayan sa Sitio Talungon sa Barangay San Roque sa lungsod na ito, Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, ang iyak ng sanggol na babae ang nagturo kay Dhorzkhan Dolong sa kinalalagyan nito.

Agad na dinala ni Dolong ang sanggol sa health center para macheck-up ang kalagayan bago inilipat sa Zamboanga City Medical Center. 

Inaalam naman ng awtoridad kung sino ang ina o ang nag-iwan sa sanggol sa palayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.