4 'tulak', tiklo sa isang condo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 06:09 AM | Updated as of Jan 23 2019 12:30 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang 4 katao sa operasyon kontra droga sa isang condominium sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City Lunes ng gabi.

Nakuha sa mga suspek ang nasa P200,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang digital weighing scale na ginagamit umano sa pagtutulak.

Ayon sa pulisya, target ng operasyon ay si alyas Analyn na umuupa sa condo.

Nagkasa ng buy-bust operation ang San Juan City police sa 2 kasamahan ni Analyn. Nang magpositibo ang operasyon, nilusob ng mga pulis ang condo.

Tiyempo namang dumating ang isang lalaki na umano'y supplier ng grupo ni Analyn.

Itinanggi naman ni Analyn na sangkot siya sa pagtutulak. Depensa niya, pensiyonada siya simula nang mabiyuda.

"Hindi ko po kailangan magtulak. Sapat na po sa akin 'yung pera na tinatanggap ko," aniya.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.