1 patay, 4 timbog sa magkahiwalay na operasyon sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2019 06:17 AM | Updated as of Jan 22 2019 07:08 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang lalaki habang arestado ang 4 na iba pa sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon City Lunes ng gabi.

Sa Cotabato St., Barangay Alicia, patay ang isang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis.

Ayon kay Chief Supt. Joselito Esquivel, director ng Quezon City Police District (QCPD), nagpaputok umano ang suspek nang matunugan na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Narekober sa suspek ang 5 bulto ng umano'y shabu na aabot sa P170,000 ang halaga.

Samantala, nahuli ang 4 na lalaki, kabilang ang isang construction worker at isang tricycle driver, na naglalaro ng sugal na cara y cruz sa Barangay Pasong Tamo.

Nakuha sa isang suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu. Droga umano ang ginamit nilang pantaya. - ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.