SAPUL SA CCTV: 2 insidente ng nakawan sa Sampaloc

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2018 11:17 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Parehong estudyante ang naging puntirya ng 2 halos magkasunod ng insidente ng pagnanakaw sa Sampaloc nitong isang linggo.

Una na rito ang babaeng nakaupo lamang sa isang lugawan sa Antonio Street nang hablutin ng magnanakaw ang bag na nakasukbit sa kanya.

Hindi natangay ng isnatser ang bag na may lamang cellphone at cash, pero natumba ang babae mula sa kanyang kinauupuan at nagtamo rin ng kaunting galos.

Huwebes naman ng looban ng isang lalaki ang domitoryo sa Rosarito Street.

Paglabas ng gusali ay may dala na itong backpack na pag-aari ng isang estudyante. Laman nito ang isang laptop, passport, at P3,000.

Parehong nakunan ng CCTV ang dalawang insidente ng nakawan na ayon sa mga awtoridad ay madalas sa lugar dahil sa dami ng estudyanteng nangungupahan doon.

Pinaghahanap na ang salarin sa dalawang insidente.

Payo ng mga opisyal ng barangay, palaging maging alerto at huwag magpapabaya sa mga gamit. Tiyakin din ng mga nangungupahang nakakandado ang kanilang gate at pinto sa dormitoryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.