Pasok sa lahat ng antas sa Albay, sinuspinde dahil sa Mayon

ABS-CBN News

Posted at Jan 22 2018 01:33 PM | Updated as of Jan 22 2018 03:03 PM

Sinuspinde nitong Lunes ang pasok sa lahat ng antas sa parehong pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Albay.

Ito'y matapos itaas sa alert level no. 4, isang antas na mababa sa pinakamataas na alert level warning, ang Bulkang Mayon bandang tanghali dahil sa pagbubuga ng ash column.

Sakop ng suspensiyong ipinag-utos ni Governor Al Francis Bichara ang lahat ng 3 congressional district ng lalawigan.

Nag-abiso rin si Bichara sa mga residente na magsuot ng face mask, at manatili sa loob ng mga gusali at kabahayan.

Sa ilalim ng alert level no. 4, nangangahulugang may "vulcanian eruption" na nangyayari.