TFC News

TINGNAN: Ilang Pinoy nurses sumali sa medical workers strike sa England

Rose Eclarinal | ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Jan 21 2023 10:25 PM | Updated as of Jan 22 2023 08:56 PM

PORTSMOUTH - Ilang Pinoy nurses mula sa Queen Alexandra Hospital, Portsmouth, England ang sumama sa dalawang araw na malawakang strike ng medical workers sa England noong January 18 hanggang 19, 2023.

“We wanted to be recognized with respect as we are all asking for fair pay, which can only be achieved when there is safe staffing in the NHS,“ sabi ni Betchay Malabrigo, kasama sa strike noong January 19, 2023.

1
Photos courtesy of Betchay Malabrigo

Sabi pa ni Malabrigo, may 100 Pinoy nurses mula sa Batangas, Cebu, Baguio at iba, ang lumahok sa dalawang araw na strike kasama ng British at British-Filipino nurses.

Humihingi pa rin ang unyon ng Royal College of Nursing ng umento sa sahod para sa mga nagtatrabaho sa National Health Service o NHS.

2
Photos courtesy of Betchay Malabrigo
4
Photos courtesy of Betchay Malabrigo
5
Photos courtesy of Betchay Malabrigo

Ilang magkakasunod na strike na ang sinimulan ng mga nurse noong nakaraang Disyembre 2022. May tinatayang mahigit 40 libong Filipino at British-Filipino nurses ang malaking puwersa na bumbuo sa NHS England at sa buong UK.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kabababayan sa United Kingdom, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.