MAYNILA—Higit 1,000 kaha ng sigarilyo na abot P28.87 milyon ang halaga ang nasabat ng mga awtoridad sa Panabo City, Davao Del Norte.
Ayon sa Bureau of Customs nitong Miyerkoles, dumating sa Davao International Container Terminal ang kargamentong idineklarang iba-ibang gamit ang laman tulad ng upuan at papel.
Nakatanggap ng impormasyon ang intelligence group ng BOC-Port of Davao na posibleng iba sa idineklara ang laman ng kargamento.
Nang isailalim sa physical inspection, nadiskubre na smuggled ang mga sigarilyo dahil walang kaukulang dokumento.
Tukoy na ang consignee ng kargamento na meron ng warrant of seizure and detention dahil sa paglabag umano sa Customs Modernization and Tariff Act. — Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.