JUBAN, Sorsogon — Kusang sumuko noong Huwebes ang alkalde ng bayan ng Juban, Sorsogon na si Antonio Alindogan na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-trafficking in Persons Act of 2003.
"Hindi po namin alam kung paano niya nalaman na may warrant of arrest siya. Basta nung pumunta po siya dito sa amin sa station para mag-voluntary surrender, saka po namin na-verify through email na may warrant of arrest nga siya," ani Juban police chief Lt. Jonathan Hapa.
Ayon kay Hapa, naka-hospital arrest ngayon sa Sorsogon City ang alkalde.
"Nung pagsuko niya po rito, kinulong po namin siya sa selda kaya lang bandang hapon, nakaramdam siya ng pananakit ng likod at chest pain," ani Hapa.
Walang piyansa ang kaso ng alkalde, na nasa huling termino na ngayon.
Samantala, ayon kay Juban Vice Mayor Felipe Guasa, wala pang direktiba mula sa DILG kung sino ang magiging OIC habang nakakulong ang alkalde.
- Ulat ni Karren Canon
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, rehiyon, region, regional news, regional, crime, krimen, RNG, regions, Sorsogon, Juban, human trafficking